Ang Kahalagahan ng Wikang Filipino

caviteniofilipino.blogspot.com|THE above photo!

Kung Ingles ang karaniwan kong ginagamit na wika sa pagsusulat sa blog na ito, ngayon ay magta-Tagalog ako dito upang ipahayag ang kahalagahan ng wikang pambansa, na siya’y tinanggihan ng ibang hindi Tagalugan. (Pagpasensyahan niyo ang aking Tagalog, hindi po ako si Bob Ong o si Amado V. Hernandez.)

1.) Ang Wikang Tagalog ay mayaman sa Lexicon – Kung ang Ingles ay ginamit bilang pandaigdigang wika, ito ay dahil sa hawig na dahilan ng estado ng wikang Filipino: Ito rin ay mayaman sa lexicon.

Ang wikang Filipino ay isa sa mga wikang gustong matutunan ng ilan sa mga mayayamang grupo ng bansa. Kung hindi man Tagalog, natututo rin ang mga iba ng Bisaya (Cebuano), Ilonggo, Ilokano, at iba pa. Ngunit ikinalulungkot ko’y mas marami pang mga Pilipinong lumaki ng ibang bansa na hindi nagta-Tagalog bagama’t sila’y marunong mag-Bisaya at/o Ilokano.

2.) Maraming mga salitang Filipino na hindi basta-basta lamang maisasalin sa wikang Ingles – Ang po at opo, ay hindi lang basta-basta sa wikang Filipino nakikita. O sige, ganito na lang. Kunyari, ang “po” ay isang tanda ng paggalang sa mga nakatatanda. Ang kontekstong ito ay hindi lamang nakikita sa wikang Filipino. Pati rin ang wikang Hapon at ang wikang Aleman ay mayroon nito. Pero ang Ingles? Ganito lang ‘yan.

Tagalog: Wala po akong pera.
English: I don’t have money, Sir/Ma’am.

Kailangan mo pang ilagay ang “Ma’am” o “Sir” bilang alternatibo ng “po.” Para sa mga Aleman, dapat “Sie” (malaking titik) ang ginagamit (ang “Sie” ay maraming kahulugan, pwede siyang “siya – pambabae,” “sila” o di kaya, “kayo – pormal na bersyon ng “ikaw”). Ngunit para sa mga Hapon, ang salitang “gozaimasu” ay laging ginagamit sa huli ng isang pangungusap.

3.) Ang wikang Filipino ay isang di-tiyak na wika. Ang “siya,” “kanya” at “niya” ay di-tiyak na panghalip. Ngunit sa wikang Ingles, ito ay he/she, his/hers at him/her. Kumbaga, ang Ingles ay isang kasariang-tiyak na wika, tulad din ng wikang Aleman at Hapon.

Ito ay ang malaking pagkakaiba ng wikang Ingles sa wikang Filipino at (lalo na) sa wikang Pranses. Ang wikang Pranses naman ay walang di-tiyak na panghalip o ‘di kaya’y pantukoy.

4.) Ang mga salitang “kalabit,” “cañao” at saka “pamati” ay only in the Philippines. Kumbaga, ang “akyat-bahay” ay only in the Philippines na rin.

About Molybdenum Studios

I am a very opinionated person. Get used to it. If you can't stand it, then so be it.

Posted on March 7, 2012, in Filipino, Languages, Tagalog and tagged , , , . Bookmark the permalink. 4 Comments.

  1. yessss ang PANGET wala akong naintindihan

    • Molybdenum Studios

      Sus! Kung ganyan ang ugali mo sa wikang Filipino, mas masahol ka pa sa malansang isda. At least sinisigurado kong PURO ang nakalahad dito para ma-appreciate ng kapwa nating Pilipino ang kanilang wika.

  1. Pingback: Ang Kahalagahan ng Wikang Filipino | Spitfire Rants and Thoughts over the Kimchi & Adobo

Feedbacks if necessary

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 206 other followers

%d bloggers like this: